
ni Gladys Gojo Cruz
Isang umaga siya ay nagising
Makabago sa mata ang mundo
Ngunit ginto
Sa kanyang sariling paningin
Isang umaga siya ay namulat
Bago ang lahat
Pati ang lupain
Nang mamalas na ito’y angkinin
Nagbibigay kagandahan o kapahamakan sa atin
Isang umaga, panahon ay dumating
Teknolohiya’y nagbabadya
Na sa ating harapan ay abutin
Sa bilis at inam na ibinibigay sa atin
Nakaraa’y nilimot na’t makabago’y tangkilikin
Isang umaga nga,
Kabataa’y dapat hubugin
Subalit nilamon ng akala’t
Sa makabagong mundo ay natanim
Isang umaga pa na darating
Muli nating abutin ang bituin
Iwasang kumapit sa dilim
Baguhin ang maling gawa ng makabago sa atin
At manalangin ng mataimtim.