Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral.Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan ngayon. Maaari silang mag-laro ng PSP,makinig ng musika sa iPod, mag-surf sa internet, o di kaya naman ay makipag-kwentuhan gamit ang cellphone.
Isa sa mga patok na gamit ngayon ay ang cellphone. Ito ay isa sa maraming bagay na napapabilis ang mga gawain. Marami itong modelo na mas naghihikayat sa mga kabataan na bilhin at tangkilikin. Isa sa mga patok na gamit ng cellphone ay ang text messaging. Sa ngayon, ito ang pinakamabilis at pinakamura na option sa pakikipagkomunikasyon, lalo na at nauuso na ngayon ang unlitext, sulitext, immortal text at kung anu-ano pa na inaalok ng mga telecommunication company. Ngayon nga pati na rin sa panliligaw ay ginagagamit na rin ang texting ng mga makabagong kabataan. Ang cellphone din ngayon ay mayroon ng video na nagiging negatibo ang kinalabasan sa mga kabataan, sa kadahilanang pag i-store ng mga sex video o sex scandal na nagiging ugat para mamulat ang mga kabataan at gawin ang mga sensitibo at mahalay na gawain.
Ang isa pa sa mga patok na patok ngayon sa kabataan ay ang computer o di kaya ay ang laptop. Halos lahat yata ng tahanan ngayon ay mayroon ng computer. Ang isa sa mga gamit nito ay ang internet. Alam naman natin na halos lahat ng impormasyon na kailangan natin ay maari na nating makuha sa pamamagitan ng internet. Ito ay mas mabilis kaysa sa magbuklat pa ng libro. Ang computer ay mayroon ding Microsoft Word, Powerpoint at marami pang iba na tumutulong sa mga estudyante para mapabilis ang kanilang paggawa ng mga research work at reports. Sa computer ay maari na rin na makapaglaro ng mga games. Ito ay ang pinakatalamak na gamit ngayon ng computer sa mga kabataan. Ngunit ang computer ay mayroon ding masamang epekto sa mga kabataan. Maraming kabataan ang nalululong sa mga gamit nito, kaya mas madalas ay puro laro na lamang ang inaatupag kaysa sa paga-aral. Humahantong ang mga kabataan sa pagka-adik sa computer at mas pinipili na mag-cutting o di kaya ay ang mag-absent sa klase. Bukod sa mga games ang internet ay may mga site na nakakasira sa mata at pag-iisip ng mga bata, sapagkat marami rin dito na mga panoorin na masyadong mahalay na nagiging dahilan para ang mga kabataan ay maaga ma-expose mga maseselang gawain na nagiging dahilan sa maagang pagpasan ng responsibilidad bilang magulang.
Ang PSP , Xbox at kung anu-ano pang gaming gadgets na nauuso ngayon ay isa pa sa mga bagay na nakakatulong din na makapagpa-relax matapos ang nakakastress na pag-aaral, ngunit may mga laro na masyadong bayulente sa mata at kaisipan ng mga bata. Kaya mas nakakatulong ang tamang pag-gabay ng mga magulang at tamang pagpili ng mga laro na hindi nakakasama sa pag-iisip ng mga kabataan.
Ang Ipod ay bentang-benta rin ngayon sa mga kabataan. Katulad ng mga nauna ng natukoy na kagamitan ito rin ay nakakatulong na makapagparelax. Ang Ipod ay hindi masyadong kumplikado hindi gaya ng ibang mga hi-tech na gadgets, ngunit na sa tamang pagpili rin ng mga tugtugin na maaring magdulot ng maganda o masama na makakaimpluwensiya sa pag-iisip ng mga kabataan.
Lahat ng mga makabagong kagamitan ngayon ay mayroon din namang limitasyon na dapat ay na sa tama ang ating pag-gamit upang hindi ito makasagabal at tuluyang sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.
No comments:
Post a Comment