
ni Reach Ann Villegas
Ang teknolohiya’t kabataan
Laging magkadikit ‘di nag-iiwanan,
Sa lahat ng dako sila’y mamamasdan
‘Pagkat makabago’y kanilang libangan
Mausisang bata sa lahat ng bagay
Sa teknolohiya’y hindi mapalagay,
Ang husay at galing kanyang ibinigay
Ng dahil sa kanya ito ay nabuhay
Nagagamit ito sa komunikasyon
Sa mga larawan naaaliw tayo
At gumagaan na rin ang ating trabaho
Binibigyang solusyon anumang sitwasyon
Ngunit bakit ngayon sa kabilang dako
Ay nakasasama ang nagiging dulot,
Computer at cellphone, t.v man o radyo,
Ay nagiging sanhi ng sala ng tao
Kabataang tamad sa trabaho
Ang teknolohiya’y kanyang inabuso
Kaya lumalaon kulang sa talino
Mangmang kung tawagin, kung minsan pa’y bobo
Ang teknolohiya’y may limitasyon din
Huwag gamitin kung hindi aayusin
Ating kailangan ito’y pagyabungin
Sa lahing susunod magpasalin-salin
Kabataan noon... kabataan ngayon...
Ang teknolohiya’y kayo’y hinahamon,
Kayo’y magsaliksik, upang mapagyabong,
Ito’y walang saysay kung ‘di mag-aayon.
No comments:
Post a Comment